on the trial today

diabetic ang nanay ko. matagal na. kahit kapos kami sa pera, hinahanapan namin ng paraan para kahit papano manatili syang malakas. etong si corona, andaming pera, bat di nakakain ng sa oras? naging dahilan tuloy ng kanyang paghina… pity him.

A smile (of a mother) makes all the difference in the world!
Happy mommy/nanay/mama/inay’s day to my fellow mothers!

Women’s empowerment is intertwined with respect for human rights.

Mahnaz Afkhami

isang hapon...

  • Ako:

    Helo! Nakuha na ni Karl nbs result ni baby hugo. All normal. Thanks goodness! ;-)

  • Lolo:

    anong nbs?

  • Ako:

    new born screening

  • Lolo:

    Anong tinest?

  • Ako:

    yan yung kinuhanan xa ng blood sample nung nsa ospital pa. UP PGH lng may facility kaya ftr a month release. Para makita kng may deficiencies sa paglaki...

  • Lolo:

    Ala cna karl nyan nun. Inaassume lng namin nun na normal. Above normal pala pagdating sa music...

  • WAPAK!

12:20pm of January 10, 2012

ilang araw na lang isang buwan ka na Baby Hugo Lian!

TatayK, dapat sa sunod tayong apat na. ;-)

TatayK, dapat sa sunod tayong apat na. ;-)

Creative Pixels & Music

Welcome to our online portfolio! In here you can find a decade of multimedia we created or helped in the production of. And just in case you are interested in our creative multimedia services, email us at creativepixelsph@gmail.com. Thanks for browsing by!

http://creativepixels.tumblr.com/

good morning!

habang nakahiga pa kami kanina, kinantahan ako ni Elian ng “Happy birthday Song” na kumpleto at malinaw ang lyrics.

salamat, anak! ang sweet nyo ni TatayK!

playing Elian

Elian was counting his wooden blocks, “isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo..”

Nanay, “siyam.”

Elian answered, “waaag, alam ko na magbilang. may gagawa ako…”

(toinks!) hehe. ;-)

2011

Ngayong nagpalit na ang taon, magdadagdag na naman ang ating mga edad…

Nawa’y maging mas produktibo ang taong ito sa ating lahat.

Masaganang bagong taon! ;-)

Relief Operation in Sorsogon

Hello to all!
Maghohold ang aking org sa UP (UP Ibalon) ng isang Christmas party sa isang community sa Irosin, Sorsogon, sa  mga apektado ng Mt. Bulusan eruptions. Ito ay sa Dec 28-29. Baka may gustong mag-extend ng kaninang Christmas blessings (cash or kind) para dito. Maari nyo akong kontakin or diretso mismo sa president ng UP Ibalon na si Caloy Borromeo. Maraming salamat!

(As posted by the resident President of UP Ibalon:
UPCOMING EVENTS: RELIEF OPS :)

When:December 28-29,2010
What:Christmas Party for a community in Irosin

BACKGROUND:
There is no more volcanic activity in the area but the residents still needs help. So far the best we can do is cheer them up by hosting a Christmas Party for them.We have an Initial budget of 7k but I don’t think this can cover everything so we are still calling for donations in cash and in kind. Goods such as ingredients for pancit bihon, sandwich, and zesto packs are very much appreciated.

Text 0927-536-5395 (Caloy) for more details.
We hope to hear from you soon :)

Miss you, Papa Mayong!

17 taon na ang nakalilipas nang manalanta ang bagyong Monang sa Kabikolan.

17 taon na ang nakalilipas nang mag-crash ang Lockheed C-130H Hercules aircraft ng Phil. Air Force sa Libmanan, Camarines Sur.

17 taon na ang nakalilipas nang sumakay ng eroplano sa unang pagkakataon si Papa.

17 taon na ang nakalilipas na sa nasabing aircraft pala sumakay si Papa.

Disyembre 15, 1993, hayskul pa lamang ako noon subalit tandang-tanda ko pa ang buong pangyayari - mula sa pagkakabalita sa radyo, ang pakikiisa ng aking mga guro, kaklase at mga kaibigan, hanggang sa mga parangal na inalay ng buong bayan ng Tinambac, Camarines Sur sa aming mahal na ama.

Hindi ka namin makakalimutan, Papa. Lagi kang nasa aming puso. Sa totoo lang, kilala ka ng lima mong mga apo kay ate (Kiko, Biboy, Sophy), sa amin ni Karl (Elian), at kay bunso (Comcom).

Miss you, pa! We love you!

Merry christmas!

Load More

Older>

Marion

Elian's Nanay

Search


Following